Allegory of the Two Caterpillars
it is very difficult to talk about something that I thought I am not capable of“Huwag ka ngang makulit! Master ka ng master diyan. Tuloy nagdudunong dunungan ako dito. Puwede ba, tanungin mo na lang ako tungkol sa sex?” Sabi ko sa nilalang na ito na nabubulagan sa pag-aakala na ako ang kanyang all-time mentor pagdating sa relasyon. Tama na ba ang walong taon para tawagin na ikaw ay isa ng alamat?
Kahapon nga di ko magets-gets and pinag-uusapan ng mga kaibigan ko tungkol sa higad. Ang kuwento, meron daw dalawang higad na nagtagpo sa iisang dahon. Sa pagkadami-daming dahon daw sa halaman na ito ay iyun pa ang napili nila. Wala silang paki-alam kung dalawa sila ang mag sishare eh sa tingin nila masyadong masustansiya iyung dahon na iyun na di nila puwedeng tanggihan.
Dahil sa kanilang likas na kaugalian, walang humpay nilang kinain iyung dahon hanggat sa maubos ito. (Iniisip ko na lang na may naiwan pa namang veins/skeleton o anuman ang tawag doon, iyung dahon kasi kung wala eh siguradong mahuhulog sila sa walang katiyakang kapalaran.) Nang maubos iyung dahon, humiwalay daw sila.
Napatunganga na lang ako. Walanghiya, threesome. Usong –uso na pala ito. Kinain at kinatasan pagkatapos iniwanan ng naging buto’t balat na lang. “Tange. Hindi threesome iyan. Iyung dahon ay love. Iyung dalawang higad bale ay nag-share sa dahon. Ibig sabihin, nain-love sila sa isa’t isa.” Sabi ng kaibigan ko. “So, naghiwalay sila ng maubos iyung dahon?” Tanong ko. “Hindi. Naghiwalay sila dahil natunugan sila ng isa pang higad.” Sagot agad ng kaibigan ko.
“Lintek! Ang labo naman. Ilan ba ang higad?” Tanong ko ulit. “Apat! “ Sagot niya ulit. “Nakup! Anu ba iyan?”
Di pa natapos ang kuwento. Yumabong daw ulit ang dahon (may regeneration power effect pa) at bumalik daw ang dalawang higad sa iisang dahon na iyun. Pero di na daw sila nagpahalata. Habang kumakain iyung isa sa north side ng dahon, iyung isa naman ay doon sa south. (Cute. Magtatagpo din naman sila sa equator niyan. At naka-69 pa tiyak ang dalawa.) Hahaha.
“Kelan ba magpapakita ang mga higad na iyan sa atin para mabalahibuhan na natin?” Tanong ko. “Magpakahigad din daw tayo bago sila magpakita ulit sa atin.” Sabi ni Igan. “Huh! Birds of the same feather flock together?” Hahaha.
“Master, do you think it is possible to love two persons at the same time?” My apprentice asked. “It is possible my young apprentice, but it could not be of the same weight. You would love one more than the other.” I replied. (Walanghiya. Balik na naman sa role playing.) “Master, puwede ba akong maging kabit mo?”
Wahhhhhh. Ayoko naaaa!!! Read more ...


















